PROLOGO
Ang pamagat na nilikha ng mga manunulat ay kaugnay sa nauusong acronym sa social media kung kaya’t ito ang naging ugat sa amung naisip na pamagat.
- PAGPAPAKILALA SA GAWAIN
Ang e-portfolio na ito ay naglalaman ng mga aktibidades na isinagawa ng mga estudyante na inilimbag sa blog na ito. Ang e-portfolio na ito ay isinagawa bilang bahagi ng pagtupad sa mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng markang sa asignaturang Pagsulat sa Piling Larangan sa Filipino.
Ang e-portfolio na ito ay para makapagbigay ng karagdagang kaalaman at halimbawa ng iba’t- ibang Akademikong Sulatin, layunin din ng blog na ito na makatulog para matukoy ng mga mambabasa ang ibat’ ibang proseso sa pagsasagawa ng Akademikong Sulatin.
- PAGHAHANDOG AT PASASALAMAT
Ang e- portfolio na ito ay inihahandog ng mga lumikha sa kanilang pamilya na laging nakaantabay sa mga mag-aaral, handog din ito sa mga mambabasa upang mas magkaroon ng malalim na kaunawaan sa mga nilalalamang gawain nito.
Nagpapasalamat din ang mga mag aaral sa kanilang pamilya na nagbibigay oras at suporta sa mga mag aaral, sa mga kaibigan ni Janna at Jane, sa kanilang mga guro lalo na si Gng. Ruth Gabiane at sa Poong nasa taas na pumapatnubay at gumagaby sa mga mag-aaral.