Category: Uncategorized
Pamagating Pahina
S.M.L.P
(SULATIN MGA LIKHANG PANG- AKADEMIKONG)
Akademikong Sulatin
na Iniharap kay
Gng. Ruth Ocampo-Gabiane
Bilang bahagi ng pagtupad
sa mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng markang
sa Asignaturang
Pagsulat sa Piling Larangan sa Filipino.
Nina
Jane Maica A. Guy-ab
Janna M. Ignacio
ng seksyon
ABM 12- Ricardo
Prologo
PROLOGO
Ang pamagat na nilikha ng mga manunulat ay kaugnay sa nauusong acronym sa social media kung kaya’t ito ang naging ugat sa amung naisip na pamagat.
- PAGPAPAKILALA SA GAWAIN
Ang e-portfolio na ito ay naglalaman ng mga aktibidades na isinagawa ng mga estudyante na inilimbag sa blog na ito. Ang e-portfolio na ito ay isinagawa bilang bahagi ng pagtupad sa mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng markang sa asignaturang Pagsulat sa Piling Larangan sa Filipino.
Ang e-portfolio na ito ay para makapagbigay ng karagdagang kaalaman at halimbawa ng iba’t- ibang Akademikong Sulatin, layunin din ng blog na ito na makatulog para matukoy ng mga mambabasa ang ibat’ ibang proseso sa pagsasagawa ng Akademikong Sulatin.
- PAGHAHANDOG AT PASASALAMAT
Ang e- portfolio na ito ay inihahandog ng mga lumikha sa kanilang pamilya na laging nakaantabay sa mga mag-aaral, handog din ito sa mga mambabasa upang mas magkaroon ng malalim na kaunawaan sa mga nilalalamang gawain nito.
Nagpapasalamat din ang mga mag aaral sa kanilang pamilya na nagbibigay oras at suporta sa mga mag aaral, sa mga kaibigan ni Janna at Jane, sa kanilang mga guro lalo na si Gng. Ruth Gabiane at sa Poong nasa taas na pumapatnubay at gumagaby sa mga mag-aaral.
Talaan ng Nilalaman
- Agenda
- Katitikan ng Pulong
- Lakbay Sanaysay ni Janna
- Lakbay Sanaysay ni Jane
- Replektibong Sanaysay ni Janna
- Replektibong Sanaysay ni Jane
- Posisyong Papel ni Janna
- Posisyong Papel ni Jane
- Epilogo
- Rubriks
- Bionote
Agenda
PAGPUPULONG UKOL SA GAGANAPING KOMPETISYON NG ABM STRAND
Setyembre 22, 2018 9:00 am -10:00 am
Tagapagsalita
●Presider – Girlie Vega
●Pagbati-Pangulo ng unang seksyon
●Mga tagapakinig– Mga kalahok at mga representante ng bawat seksyon
Paksang Pag-uusapan
●Paghahanda sa gaganaping kompetisiyon
●Maipaalam sa bawat seksyon ang kompetisyon
●Tumagap at magbigay ng ideya pati narin ang pagkokomento para sa kompetisyon
Mga kalahok
●Mga Presidente at bise presidente sa ABM strand
●Mga Guro na nakatalaga
Katitikan ng Pulong
KATITIKAN NG PULONG SA GAGANAPING KOMPETISYON NG ABM STRAND
Setyembre 22,2018 9:00-10:00 ng umaga
MGA DUMALO
Girlie Vega Presider
Diana Valdepeña Tagapag tala
Mga kalahok at representante ng bawat seksyon
Ellin Tanguan
Jane Guy-ab
Genevieve Olbedencia
Mari lea orbita
Christine Ordeviza
Jazper Gueco
Emmanuel Junio
Hindi Dumalo
Drexy Padpad
Daloy ng usapan
1. PANIMULA
●Nagsimula sa pagbati at tumuloy sa pagtatalakay ukol sa nasabing agenda ng pagpupulong.
Pagdedetalye ng Paksa ng Agenda
●Sumunod naman ay pagpapalitan ng ideya at komento.
Girlie:Anong uri ng Festival ang pipiliin na ipanglalaban sa kompetisyon? Mari:Ati-atihan
Jane:Penagbenga
Girlie: Pwede
Jazper: Kailan ito gaganapin?
Girlie: Sa Oktubre 15 gaganapin ang kompetisyon mayroon isang buwan na preparasyon. Kaya magkakaroon tayo ng pagpili ng magtuturo sa bawat klase at ito ay sisimulan sa lunes –
Lahat ay sumasang-ayon sa napagusapan na ang bawat klase ay magtutulungan at magkakaisa sa pagtuturo ng sayaw sa pamumuno nga seksyon D at pagsasagawa ng props sa pangunguna ng seksiyon A.
2. Pagpaplano sa susunod na pulong
●Gaganapin sa Setyembre 24, 2018 (lunes) ang susunod na pagpupulong ay gaganapin sa Brgy. Greater Lagro , Quezon City sa ganap na ika-8:00-12:00 ng tanghali para sa pag eensayo ng mga kalahok para sa kompetisyon.
3. Pagtatapos
●Nagpapasalamat ang lider sa mga dumalo at kooperasyon ng bawat klase ng Abm strand.
Lakbay Sanaysay ( Paraiso)

Makikita ito sa hilagang bahagi ng pilipinas , lapitin ng mga bagyo at malayo sa lugar na nakasanayan ko. Ngunit may kakaibang pakiramdam ang humihila sa akin upang puntahan ang lugar na ito. Noo’y naririnig ko lang ito sa kanta ngunit ngayo’y gusto ko na itong makita.
Nais kong puntahan ang batanes dahil kakaiba sya sa mga lugar na nakikita ko, ang kakaibang pakiramdam na binibigay ng mga hampas ng dagat sa mga bundok nito, ang mga hanging galing sa dagat Pasipiko, mga pagkaing kakaiba at nakakatakam na lasa na mas nagbibigay ng rason para ito ay pag ipunan ko.
Ngunit ang mas nakapukaw ng aking atensyon sa lugar na ito ay ang mismong tao at kulturang pinapahalagahan dito tulad na lamang ng honesty store na nagpapakita ng pagiging matapat ng mga taong nakatira dito at ang pagiging matatag ng mga tao na tulad ng kanilang bahay na bato na handang suungin ang kahit anong bagyo.

Kung kaya’t nakalatag na ito sa mga pangarap ko at ito ang lugar na nais kong puntahan kasama ang mga taong mahal ko. Nasa dulo man ito ngunit nangunguna ito pagdating sa puwang sa puso ko.
Mga larawan ng:
- No juan is an Island
- Guiltless Getaways
- Windowseat. ph
– Janna M. Ignacio
Lakbay Sanaysay
.

Kaligayahan ko ay hindi maipaliwanag ng unang beses kong maglakbay sa lugar na isa sa aking pinapangarap na mapuntahan dahil sa balibalita na ang lugar nga daw na iyon ay maganda hindi lang dahil sa itsura ng lugar kundi dahil din sa kaakit-akit nitong istory. Kasama ang aking pamilya kami ay nagpasya na mamasyal sa luneta upang magsaya at makalimutan ng saglit ang mga problema. Unang hakbang palamang papasok sa lugar hindi doble kundi triple ang saya at kaba na aking naramdaman dahil sa wakas akin nang mapupuntahan ang lugar na isa sa pangarap kong mapuntahan.
Sa aking paglalakbay ako ay maraming nasilayan mga ngiti ng bawat tao at pamilya na dumayo
din sa lugar na iyon sa panahong ding iyon. Gaya ng saya na aking naramdaman ganun din ang aking nasilayan sa mga taong naruruon. Mga ngiti na hindi maipinta, mga ngiti na hindi makakalimutan. Hindi lamang pamilya ang aking nasilayan kundi ang dalawang tao na nagmamahalan na pumunta din sa lugar na iyon upang magsaya. Ang tanging nais ko lang gawin sa mga oras na iyon ay ang magsaya kasama ang aking pamilya at kalimutan ang mga problema.
Nang dahil sa paglalakbay na iyon aking nasilayan ang taong binigyan ng karangalan at pagpapahalaga, napuntahan ko ang lugar na may magandang istorya. Bukod sa mga taong akin din napansin ang mga tila bakal na tao na nagbabantay sa gusaling iyon na hindi inii
nda ang panahon ito man ay maulan o tirik ang araw basta magawa nila ang kanilang trabaho. Ako ay nakaramdam ng awa sa mga nagbabantay na iyon, ako ay napaisip, paano kung magutom sila?di ba sila pwede kumain? Paano kung napagod sila kakatayo? Hindi ba sila pwede maupo? Kahit na saglit? Pero kahit na nag gugulo ang mga tanong na iyan sa aking isipan akin nalamang inisip na ginawaga lang nila ang kanilang trabaho at isang saludo para sa katatagan nyo.
Gaya ng kapayapaan na aking naramdaman ganun din ang payapaan ng panohon at ng kapaligiran. Gaya ng saya na aking

naramdaman ganun din ang saya ng mga taong aking nasilayan at ang saya ng mga ibon na sa himpapawid ay nagsisiliparan. Ang paglalakbay na iyon ay naging masaya at masasabi ko ngang dapat itong pahalagahan dahil naging isa ito sa mga pangyayari sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan at hindi dapat kalimutan.
– Jane Maica A. Guy-ab
Replektibong Sanaysay
MAY RASON ANG LAHAT
Naaalala ko pa ang mga panahong musmos pa ako, walang muwang at ang alam lamang ay kumain at maglibang. Ang sarap sa lang balikan nung panahong masaya lang ako at ang iniintindi lamang ay ang mga kalaban at kalaro kung nasa labasan, yumh panahong payat pa ako dahil sa paglimut kong kumain makatambay lamang sa labas.
Ngayon medyo kumplikado na ang lahat, natututo nang magmahal at intindihin ang mga bagay-bagay, di maiiwasan masaktan at magkamali na minsa’y tingin ko ako ang lagging tama. Nagiging makasarili at sinasaktan ang mga taong nasa paligid ko, pagtatampo sa mga magulang ko dahil tingin ko pagkakamali ko lang ang lagi nilang nakikita, iniisip ko na hindi sila nagging interesado ni minsan sa mga nagawa ko at abang na banag sa bawat maling nagagawa ko. Masakit lalo na sa parte at situwasyon ko ngayon na naghahanap ng mga sagot at makakaintindi sa lahat ng drama ko sa buhay, pero napagtanto ko na tama na ang pagiging sentrolado ko sa sarili ko, kailangan ko nang magbagi sa paraang ikabubuti ng mga taong mahal ko, magig kuntento at wag ikumpara ang buhay at sarili ko sa iba, tumanggap ng mga taong nais kilalanin ang pagkatao ko at mas malapit sa diyos na nasa itaas na syang mas nakakaalam ng magiging daloy ng buhay ko.
Hindi masamang magkamali at tumanggap ng husga ng iba dahil minsan ito ang paraan upang mas maging maalam tayo sa ating pagkatao. Maswerte ang mga taong laging may pumapatnubay sa kanila sapagkat minsan ang alam nating tama ay mali at sila ang nagpapakita nun sa atin.
– Janna M. Ignacio
Replektibong Sanaysay
SA PAGMAMAHALAN WALANG PWEDENG MAKAHADLANG
Sa pagmamahalan ng dalawang tao puso ang pinapagana hindi ang mata, puso ang tumitibok at hindi ang mata at higit sa lahat puso ang magdidikta kung sa isang tao aay may pagmamahal sya. Ayon sa napanood kong nakakaantig na istorya sa telebisyon na kung saan ang dalawang tao ay nag mahalan kahit hindi nila alam anh itsura ng bawat isa. Ang dalawa ay mga bulag ngunit hindi ito naging hadlang at sa hulo nanaig ang kanilang pagmamahalan.
Hindi iniinda ang kapansanan upang matuloy lanh ang kanilanh pagiibigan. Isang saludo at paghanga para sa inyo dahil naka pukaw kayo ng damdamin at nakaantig ng mga damdamin, dahil hindi gaya ng iba na panlabas lang na kaanyuan ang unang hinhanap nila at hindi muna ang ugali ang inalam. Pagpapatunay na walang makahahadlang para sa dalawang tao na nagmamahalan at naging. Isang insperasyon at tunay ngang nakakaantig at nakakabilib ang istorya ng dalawang tao ito. Ang pagmamahal ay hindi lang sa panlabas na kaanyuan, sa materyal na paraan kundi ung galing mismo sa puso mo at kung gaano mo sya kamahal. Kung puso ang nangingibabaw magliliwanag ang isang relasyon na para bang isang ilaw.
– Jane Maica A. Guy-ab
