Posisyong Papel

Isyu: Pamimigay ng mga contraceptives  sa mga kabataan.

Stand: Pumapayag / Pro

Thesis Statement: Ang pamamahagi ng mga kontraseptibo ay isang magandang paraan upang magsimula ang pagkakaintindihan at pagkakaunawaan sa mga pribadong bagay at upang maiwasan ang paglaki ng mga kasong nagkakaroon ng sakit na HIV/AIDS.

         Kabataan ang pag-asa ng bayan ika nga ni Dr. Jose Rizal, ngunit sa panahong ito maraming kabataan ang naliligaw ng landas at napapariwara sa buhay, ang ilan ay napipinta sa pag aadik, ang iba naman ay kawalan ng gana sa pag-aaral at ang iba  naman ay maagang nagiging ina at ama. Ngunit bakit nga ba ito nangyayari? Sapat ba ang pamimigay ng contraceptives sa mga kabataan? At may magandang maidudulot ba ito sa pamumuhay ng isang tao.

       Maraming rason upang mamali ng landas ang kabataang tulad ko halimbawa na lamang ang impluwensya nng mga kaibigan,kawalan ng suporta ng pamilya at minsan ay pagiging marupok at mapusok ng mga kabataan. Teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ang isa sa mga dahilan ng pagbaliktad ng mga pangarap ng kabataang tulad ko, paghinto sa pag-aaral at maagang pagtatrabaho ang solusyon may pantustos lamang sa pangangailangan ng kanilang nabuong pamilya. Hindi man nararapat o hindi man sadya ngunit ito ay malaking responsibilidad para sa mga kabataang dumadanas nito kung kaya’t ipanapanukala ng iilan ang pagkakaroon ng sex education sa klase upang mas maging maalam at maingat ang mga mag-aaral sa mga desisyong kanilang tinatahak at ang pamimigay ng mga pangontra tulad na lamang ng condom upang mas maging ligtas kung sakali ang kinabukasan ng using mag-aaral.

       Sumasang-ayon ako sa programang ito sapagkat walang mali kung mas magiging maalam ang kabataan sa situwasyong tulad nito sapagkat mas nagiging marupok sila kapag ang resluta nito ay di pa nila napag- aaralan. Sang-ayon ako kase tinuturi nito ang mga tamang desisyon at gawin sa mga situwasyong di kanais-nais.

       Bagama’t maraming kumukontra sa programang pamimigay ng comdom dahil ito daw ay mas magbibigay ng kuryosidad sa kabataan sa mga masamang gawain. Ngunit walang masama kung susubukan natin ang ganitong programa dahil ang nais lang naman ng lahat ay bawasan at kontrolin ang pagdami ng mga nasisirang  pangarap ng isang tao, nasa bata pa rin naman ang desisyon ng kanyang gagawin at pagpili ng tama at mali.

– Janna M. Ignacio

Posisyong Papel

PAG GAMIT NG TEKNOLOHIYA

           Makabagong teknolohiya gaya ng cellphone at computer na ginagamit natin sa pang araw araw. Ito nga ba ay maganda para sa atin? O sisirain lang nito sa bandang huli ang buhay natin? Sa panahon ngayon na parte na sa buhay isang tao ang pag gamit ng ng teknolohiya na nagreresulta sa kawalan ng pokus maging ito man ay sa trabaho o sa pagaaral dahil kinakain ng teknolohiya ang mga atensyon nila. Maraming napapabalita na may isang tao ang namatay dahil sa lubos na pagtutok sa computer at nagiging dahilan nito ay ang pagkaligta sa pag pakain sa tamang oras kaya bumabagsak ang kanilang katawan.

        Isa sa pinaka naaapektuhan ng teknolohiya ay ang kalusugan ng isang tao dahil sa teknolohiya napapabayaan nang kumain sa tamang oras, matulog sa tamang oras, mag ehersisyo at totoo ngang nakakaligtaan na ang mga ito. Pumapasok din dito ang isyu ng cyber bullying na kung saan ginagamit ang teknolohiya upang manira at tuksuhin ang isang tao na nagiging dahilan upang maging depres at mag pakamatay ang isang tao na nabully sa pamamagitan ng social media. Sa pamamagitan ng teknolohiya at social media maraming tayong tao na nakikilala ngunit hindi sigurado kung mapagkakatiwalaan nga ba talaga. Dahil sa teknolohiya at social media madaming tao ang naloloko at napapahamak dahil nag tiwala sa mga taong nakilala lang sa social media. Tulad na lamang ng rape, maraming kabataang babae ang nagagahasa ng dahil sa teknolohiya at pagpasok sa social media na binigay ang kanilang tiwala sa taong hindi naman katiwa-tiwala. Isang malaking pagkakamali na naimbento ang teknolohiya dahil imbes na tatalino ang isang magaaral mas nasisira pa ito.

            Di tulad noon na wala pang teknolohiya at hindi pa nasasakop nito ang utak ng isang kabataan lubos ang kanilang pananaliksik sa iba’t ibang librarya, libro ang laging kaharap nila di tulad ngayon na puro teknolohiya. Tinuturuan nito na maging tamad ang isang kabataan. Hindi maganda at walang magandang dulot ang makabangong teknolohiya sa isang tao dahil nasisira lamang nito at naapektuhan ang kanilang pagiisip, kalusugan, emosyon at ang kanilang buong pagkatao. Makabagong teknolohiya, totoo ngang natutulungan nito ang isang tao na mapabilis ang mga bagay bagay, malaking tulong din ito upang mas mapadali ang isang pananaliksik at ang ating komunikasyon sa iba ngunit hindi parin maikakaila na hindi talaga maganda ang teknolohiya para sa atin lalo na sa isipan at kalusugan.

– Jane Maica A. Guy-ab

Epilogo

EPILOGO

      Sa pagsasagawa ng iba’t ibang akademikong sulatin natutunan ng mga manunulat na ang pag bibigay pokus, oras at pagmamahal sa trabaho ang magiging daan upang matagumpay na matapos ang ano mang gawin. Base sa naging karanasan ng mga manunulat habang isinasagawa ang mga akademikong sulatin, hindi ito naging madali, kinakailangan ng pagsasanib ng dalawang utak ng manunulat upang maisagawa at matapos ng maayos ang mga akademikong sulatin. Bagamat hindi ito naging madaling gawin, ang mga manunulat ay nakaramdam ng saya habang isinasagawa nila ang mga gawaing ito sapagkat kahit gaano pa kahirap at gaano pa ka kompilkado ito gawin ito naman ay nakatulung sa mga manunulat dahil nakahuha sila ng kaalaman mula sa pagsasagawa nito, at nakatulong din sila sa mga mambabasa upang mabuksan ang kanilang isipan tungkol sa akademikong sulatin at nakapag bigay ideya tungkol dito at higit sa lahat ito ay naging paraan upang ang kanilang isip ay mas naging matalas.

 

bla    Jane Maica A. Guy-ab. Si Jane ay nakapagtapos ng elementarya taong 2013 sa paaralan ng Cielito Zamora Memorial Elementary School at nakapagtapos ng sekondarya taong 2017 sa paaralan ng Cielito Zamora High School at kasalukuyang pinagpapatuloy ang dalawa pang dagdag na taon sa high school sa paaralan ng Lagro.

Siya ay nakatanggap ng sertipiko at medalya noong sya ay nasa sekondarya taong 2016-2017. Inaasahang sya ay magpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo sa kursong BS BA o Bachelor of Science in Business Administration.

Maaari syang makontak sa kanyang social media account na Jane Maica A. Guy-ab at sa kanyang gmail account na guyabjanemaica@gmail.com

Bionote

 35855927_855402477985087_3036055550535139328_n                                                                                                                                     Janna M. Ignacio. Si Janna ay nakapagtapos sa paaralan ng Maligaya noong 2013 at nakapagtapos ng  Junior High sa Maligaya sa taong 2017. At kasalukuyang nag-aaral ng dagdag na dalawang taon sa paaralan ng Lagro. Siya ay nakatanggap ng parangal nung siya ay nasa elementarya tulad ng ikalimang karangalan sa kanilang klase noong 2011 at ika unang karangalan sa kanilang klase noong 2012. At minsan ng naging kandidata sa quiz bee sa wikang Ingles noong 2012. nakatanggap din sya ng parangal nung sya ay nasa sekondarya tylad ng ikasiyam na karangalan noong 2013, ika unang karangalan noong 2015 sa kanilang klase. At sya ay kasalukuyang nag-aaral ng mabuti para makakuha ng magandang marka.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magmensahe sa kanyang social media account na Janna Ignacio o mag- email sa kanyang account na JannaIgnacio3@gmail.com.

Pagpapakilala sa Gawain

     Ang e-portfolio na ito ay naglalaman ng mga aktibidades na isinagawa ng mga estudyante na inilimbag sa blog na ito. Ang e-portfolio na ito ay isinagawa bilang bahagi ng pagtupad sa mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng markang sa asignaturang Pagsulat sa Piling Larangan sa Filipino.

    Ang e-portfolio na ito ay para makapagbigay ng karagdagang kaalaman at halimbawa ng iba’t- ibang Akademikong Sulatin, layunin din ng blog na ito na makatulog para matukoy ng mga mambabasa ang ibat’ ibang proseso sa pagsasagawa ng Akademikong Sulatin.

     Mga Akademikong Sulatin:

Bionote– ito ay nagmula sa salitang “bio” na ang ibig sabihin ay buhay at “note” na ibig sabihin ay tala. Ito ay maikling pagpapakilala sa isang tao.

Sintesis-pagsasama sama ng dalawa o higit pang buod.

Abstrak– ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel.

Panukalang Proyekto-makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad.

Talumpati–  pormal na pagpapahayag na binibigay sa harap ng manunuod o tagapakinig.

BIONOTE

     35855927_855402477985087_3036055550535139328_n                                                                                                                                                                      Janna M. Ignacio. Si Janna ay nakapagtapos sa paaralan ng Maligaya noong 2013 at nakapagtapos ng  Junior High sa Maligaya sa taong 2017. At kasalukuyang nag-aaral ng dagdag na dalawang taon sa paaralan ng Lagro.                                                           Siya ay nakatanggap ng parangal nung siya ay nasa elementarya tulad ng ikalimang karangalan sa kanilang klase noong 2011 at ika unang karangalan sa kanilang klase noong 2012. At minsan ng naging kandidata sa quiz bee sa wikang Ingles noong 2012. nakatanggap din sya ng parangal nung sya ay nasa sekondarya tylad ng ikasiyam na karangalan noong 2013, ika unang karangalan noong 2015 sa kanilang klase. At sya ay kasalukuyang nag-aaral ng mabuti para makakuha ng magandang marka.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magmensahe sa kanyang social media account na Janna Ignacio o mag- email sa kanyang account na JannaIgnacio3@gmail.com.

BIONOTE

 

bla Jane Maica A. Guy-ab. Si Jane ay nakapagtapos ng elementarya taong 2013 sa paaralan ng Cielito Zamora Memorial Elementary School at nakapagtapos ng sekondarya taong 2017 sa paaralan ng Cielito Zamora High School at kasalukuyang pinagpapatuloy ang dalawa pang dagdag na taon sa high school sa paaralan ng Lagro.

Siya ay nakatanggap ng sertipiko at medalya noong sya ay nasa sekondarya taong 2016-2017. Inaasahang sya ay magpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo sa kursong BS BA o Bachelor of Science in Business Administration.

Maaari syang makontak sa kanyang social media account na Jane Maica A. Guy-ab at sa kanyang gmail account na guyabjanemaica@gmail.com

ABSTRAK

Pamagat: Pahambing na pagaaral ng pangmerkadong istratehiya ng dalawang pinaka malaking fast food chain sa pilipinas mula sa taong 2000 hanggang 2017.

Author: Vega et,al

Petsa: Marso 2018

Uri: Deskriptibo

     Ang pananaliksik ay may layuning alamin ang pagkakaiba at pagkakapareho  ng Jollibee at Mcdonalds sa aspekto ng Marketing Strategy at alamin ang mga salik ng kanilang pagkakaiba. Nais din masagot ng papel na ito ang suliraning tulad ng ano-ano ang pangmerkadong istratehiya ang ginamit ng dalawang fast food chain, paano ito nakatulong at kung bakit  tinatangkilik ng Pilipino ang mga ito.

      Gumamit ang mga mananaliksik ng instrumentong sarbey upang makamit ng kanilang layunin at obseerbasyon upang makadagdag kasagutan sa kanilang suliranin. Kumuha ng 50 respondente sa pamamagitan ng convenience sampling na ginanap sa Brgy. Greater Lagro.

Janna M. Ignacio