ABSTRAK

Pamagat: Persepsyon ng mga Konsyumer sa  Online Shopping

Author: Pardo et,al

Petsa: Marso 2018

Uri: Deskriptibo

     Ang pananaliksik na ito ay may suliraning  tumutukoy kung sino-sino ang mga taong tumatangkilik sa pamimili online, at kung paano maiiwasan ang hindi magandang epekto nito. At layunin naman ng pananaliksik na ito na matulungan ang mga konsyumer na tumatangkilik sa pamimili online, kung paano makaiwas sa kapahamakan at mabigyan ng payo tungkol dito.

      Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng instrumentong sarbey na binubuo ng iba’t ibang katanungan na inaasahang masagot ng kalahok at instrumentong  likert scale. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga estudyante ng Lagro High School at sa iba pang gumagamit ng Online Shopping upanf maging respondente para sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng purposive sampling na kinakailangan ng 50 respondente.

Jane Maica A. Guy-ab

SINTESIS

Depresyon

Uri: Thesis- Driven Synthesis

Anyo: Explanatory

Layunin: Mailahad ang dahilan, sintomas, at solusyon sa depresyon.

Thesis Statement: Makatulong para makabawas sa lumalaganap na kaso ng depresyon.

Komparison/ Kontrast

         Ayon kay Razel(2017), Ang depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ng labis na kalungkutan ang isang tao. Para sa iba isa lamang itong itong simpleng sakit o mental illness ngunit dapat din nating isipin na maaari itong maging sanhi ng pagkitil ng isang buhay , na sinang ayunan  naman ni Lefbilly7) na isinaad ang pagpapakamatay o suicide ay ginagawang short cut ng tao para makatakas sa problema.

Paghahalimbawa at Pagdadahilan

    Maraming sintomas ang depresyon, ilan na rito ay ang madalas na pagkairita, nawawalan ng interes sa buhay , sobrang sensitibo at kung ano- ano pa (Loralaine, 2018). Ito ay dahil nararamdaman ng isang tao na sya ay walang kwenta, walang halaga at iniisip na hindi na kayang gawin ang mga bagay bagay ( Lefbilly,2017).

Pagbubuod

      Ang utak ng tao ay gumagawa ng kemikal na nakakaapekto sa pag-iisip at mga  kilos, kung kaya’t kung walang balanse ang mga ito maaaring maging sanhi ito upang magkaroon ng depresyon. Maaari itong magsimula sa sobrang stress tulad ng problema sa paaralan, pang-aapi , pagkawala ng kaibigan o problema sa magulang. Mas nakakaapekto ang depresyon sa taong may edad na 10- 11 o sa mga teenager kesa sa may mga edad na dahil mas nadedevelop na ang kanilang pag-iisip at nagiging curious sa mga bagay-bagay. Pero may solusyon upang maagapan ito,isa na riyan ay ang pakikipag-usap na nakakatulong para gamutin ang taong may depresyon at pagpapakita ng suporta at gabay sa mga anak ng ganun ay makaiwas sa gantong situwasyon.

Janna M. Ignacio

SINTESIS

 Epekto ng pagkaadik ng mga kabataan sa paglalaro online.

Uri: Thesis- Driven Synthesis

Anyo: Explanatory

Layunin:n Layunin nitong makapagbigay dagdag kaalaman at maipakita sa tao ang maaaring dulot ng pagkahumaling ng kabataan sa paglalaro online.

Thesis Statement: Online Games Bilang kasiraan sa buhay ng kabataan.

Pagbubuod

       Ang lahat ng bagay ay may limitasyon. Ang tao ay hindi parang robot na kayang harapin lahat, ang tao rin ay may kahinaan. Ang utak ang nagpapatakbo ng katawan ng isang tao, kaya nitong kontrolin ang lahat pero meron din itong limitasyon. Hindi man ito agad makikita o mararanasan ang maaaring resulta  pero darating at darating din ang isang tao sa puntong iyon. Maikukumpara ang mga bagay na tama at mali. Masamang sanayin ang isang tao na gawin ang mga bagay na maaaring makadulot ng masama. Maging bukas ang isipan sa lahat ng bagay at ang mga maaaring dulot nito.

Paghahalimbawa at Pagdadahilan

       Ang pagka adik sa kompyuter ang isa sa mga dahilan kung bakit maapektuhan ang kalusugan ng isang tao. Ang paglalaro online ay maaaring maging dahilan sa pagkawalan ng pakialam ng isang tao sa kanyang sarili, isa sa mga kinaaadikan ng kabataan ngayon ay ang paglalaro ng League of Legends, Cabal Online at Dota na pinakatinatangkilik (Dr. Jose George, 2014). Ag pagiging sangkot sa mga ito ay maaaring magdulot sa isang tao ng pagiging mapusok, bayolente at mainitin ang ulo na hindi magandang epekto para sa isang tao (fireskie_sid, 2010). Naapektuhan din nitoang performance ng isang estudyante sa kanilang paaralan at kawalan ng pokus sa akademikong gawain.

Jane Maica A. Guy-ab

TALUMPATI

“Throwback tayo kahit hindi Thursday”

       Magandang Araw sa inyong lahat, narito ako upang ipaalala sa inyo ang  sarap, saya, sakit at sugat….. noong tayo ay bata pa. Naalala nyo pa ba yung mga panahong bata pa kayo? Yung mga larong nilalaro nyo hanggang sa maggabi na? at yung mga reaksyon  ng mga nanay nyo sa tuwing uuwi kayong luhaan, nasaktan at sugatan dahil sa kakalaro nyo sa labas. Ang sarap diba? Kaya’t hayaan nyo akong dalhin kayo ulit sa panahong iyon.

      Nakakamiss lang maglaro ulit,  yung mga panahong  alam mo pa  ang tamang power ng paglalaro ng teks at pogs, para tayong mga eksperitista kung makapili ng pato para matalo lamang ang kalaban.Yung mga panahong alam mo pa ang tamang sukat ng inyong tatatlunin sa chinese garter at dama mo ang pagiging responsable dahil ikaw ang mother,sa tingin ko naalala mo pa ung panahong dinadasalan mo pa yung pato mo sa paglalaro ng piko lalo na yung parteng tatalikod ka , hahagis ng pato at pagharap mo ayun may bahay ka na, yung esensya ng teamwork nyo sa paglalaro ng patintero para sa ganun ay di makalagpas ang kalaban at huli yung pageeksperimento mo para makuha ang tamang timbang ng tsinelas na gagamitin mo laban sa latang nasa harap mo. Ang saya diba, pero mas di makakalimutan yung makikita mo ang nanay mong nag aabang sayo kasama ang starter pack nyang tsinelas , hanger, at combo sinturon with matching kurot, masakit pero doon tayo natuto na maging responsable, makipagkapwa , makipagtulungan at pahalagahan ang mga maliliit na bagay.

        Nakakalungkot lang isipin na hindi na halos nararamdaman ng mmga kabataan ngayon ang ganung kasiyahan, hindi nila nadadama yung halaga ng oras dahil busy na sila sa isang bagay at hindi nila alam ang tunay na kasiyahan ng pakikipaglaro ng harapan sa kanilang kaibigan. Hindi ko naman sinisisi ang teknolohiya at talaga namang laganap na ito sa lahat pero ito ang nagiging rason upang hadlangan ang mga tulad kong kabataan na magdiskubre pa at matuto ng mga bagay-bagay sa mga larong atin nang nakasanayan.

_Janna M. Ignacio

Talumpati

Perfect ka? Di ikaw na !

       Gwapo ka , sexy ka,mataba ka, payat ka, maitim ka, maganda ka, may mukha ka pero di nga lang pinagpala. Alin ka man sa mga nabanggit lagi mong tatandaan na may karapatan ka, karapatang galangin , karapatang respetuhin at karapatang mahalin. Lahat ng tao may kanya kanyang kapangitan hindi man kita sa panlabas na kaanyuan , makikita naman ito sa kaloob-looban. Pag maitim ka pandidirian ka kesyo parang wala kang ligo o kulang sa kuskos. Pero pag maputi ka kapuripuri ka, pero Kahit maputi ka di ka parin ligtas makakarinig ka parin ng panghuhusga “sus gluta lang naman yan kaya maputi” . Pag mataba ka sasabihan kang patay gutom kasi lamon ka ng lamon sabay bulong ” grabe naman ang taba, buti nalang hindi ako naging ganyan” . Pero pag sexy ka kapuripuri ka. Huwag tayong makisabay sa mundo, yung mamimili kalang ng pakikisamahan mo, yung sa tingin mo na kalevel mo. Paano naman ang iba? babalewalain mo kase mataas ka at mababa lang sila? Kung makikipag plastikan ka , huwag ka lang masyadong magpapahalata. Mga hindi maganda sa paningin ng tao ang madalas maikumpara sa mga katangian na mas maganda. Pare-parehas tayong hindi perpekto kaya wala kang karapatan maliitin ang isang tao lalo na’t hindi mo pa siya lubusang kilala. Meron ka man lahat ng karunungan , kagandahan o kagwapuhan pero wala ka namang puso?wala kang kwenta,Maganda ka sa panlabas pero kasuklam suklam ka naman sa panloob. Aanhin mo pa ang katalinuhan,kagandahan at kagwapuhan mo? Mas okey pang hindi pinagkalooban ng magandang mukha, katawan, katayuan sa buhay at magandang kutis basta meron ka lang puso at magandang pag-uugali . Mas mahalaga ito kaysa sa anu pa mang bagay. huwag kang panghinaan kung makakaramdam ka ng hindi pantay na pagtrato o bakit hindi ka tulad nila dahil lahat ay may kadahilanan. Respeto , sa respeto nagsisimula ang lahat. maliit lang ito na bagay pero nahihirapan pa ang ilan sa paggawa nito Kung may respeto ang bawat isa , kaayusan ng isang bansa ang makikita.

Jane Maica A. Guy-ab

PANUKALANG PROYEKTO

REFASHION

Layunin: Nais ng proyektong ito na maipakita na ang mga recyclable materials ay maaari pang magamit sa ibang bagay.

Rationale: Makabawas ng kalat o basura sa paaralan at magamit ang mga ito sa masining na bagay.

Motibasyon: Mailabas ang mga nakatagong talento ng mga estudyante at maipakita ito sa larangan ng sining.

Kategorya: Ang proyektong ito ay nasa kategoryang palihan ng bawat seksyon ng senior high sa Lagro.

Petsa: Magaganap ang proyektong ito sa Nobyembre 16, 2018 ( Biyernes)

Deskripsiyon: Palihan ng mga recycled materials. At pagandahan ng malilikhang kasuotan gamit ang mga recycled materials

Pakinabang: Makikinabang ang mga estudyanteng mananalo at sumalli dahil sa matatanggap na premyo.

-Makakatulong din ito sa paaralan na makabawas ng kalat at pagiging responsable ng  mga estudyante.

Budget: Pangogolekta sa bawat seksyon ng 100 pesos para sa magagamit na materyales at papremyo. Sumatotal na 2400 sa 24 na seksyon meron ang ABM at HUMSS.

Premyo sa mga mananalo:

-Unang Nanalo: 1000

-Ikalawang Nanalo: 500

-Ikatlong Nanalo: 300

-Bayad sa Mga Hurado: 200 kada tao ( tatlong hurado)

-Budget para sa materyales na gagamitin: 1600

Proponent: Si Janna Ignacio at Jane Maica Guy-ab.