Depresyon
Uri: Thesis- Driven Synthesis
Anyo: Explanatory
Layunin: Mailahad ang dahilan, sintomas, at solusyon sa depresyon.
Thesis Statement: Makatulong para makabawas sa lumalaganap na kaso ng depresyon.
Komparison/ Kontrast
Ayon kay Razel(2017), Ang depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ng labis na kalungkutan ang isang tao. Para sa iba isa lamang itong itong simpleng sakit o mental illness ngunit dapat din nating isipin na maaari itong maging sanhi ng pagkitil ng isang buhay , na sinang ayunan naman ni Lefbilly7) na isinaad ang pagpapakamatay o suicide ay ginagawang short cut ng tao para makatakas sa problema.
Paghahalimbawa at Pagdadahilan
Maraming sintomas ang depresyon, ilan na rito ay ang madalas na pagkairita, nawawalan ng interes sa buhay , sobrang sensitibo at kung ano- ano pa (Loralaine, 2018). Ito ay dahil nararamdaman ng isang tao na sya ay walang kwenta, walang halaga at iniisip na hindi na kayang gawin ang mga bagay bagay ( Lefbilly,2017).
Pagbubuod
Ang utak ng tao ay gumagawa ng kemikal na nakakaapekto sa pag-iisip at mga kilos, kung kaya’t kung walang balanse ang mga ito maaaring maging sanhi ito upang magkaroon ng depresyon. Maaari itong magsimula sa sobrang stress tulad ng problema sa paaralan, pang-aapi , pagkawala ng kaibigan o problema sa magulang. Mas nakakaapekto ang depresyon sa taong may edad na 10- 11 o sa mga teenager kesa sa may mga edad na dahil mas nadedevelop na ang kanilang pag-iisip at nagiging curious sa mga bagay-bagay. Pero may solusyon upang maagapan ito,isa na riyan ay ang pakikipag-usap na nakakatulong para gamutin ang taong may depresyon at pagpapakita ng suporta at gabay sa mga anak ng ganun ay makaiwas sa gantong situwasyon.
–Janna M. Ignacio