Epekto ng pagkaadik ng mga kabataan sa paglalaro online.
Uri: Thesis- Driven Synthesis
Anyo: Explanatory
Layunin:n Layunin nitong makapagbigay dagdag kaalaman at maipakita sa tao ang maaaring dulot ng pagkahumaling ng kabataan sa paglalaro online.
Thesis Statement: Online Games Bilang kasiraan sa buhay ng kabataan.
Pagbubuod
Ang lahat ng bagay ay may limitasyon. Ang tao ay hindi parang robot na kayang harapin lahat, ang tao rin ay may kahinaan. Ang utak ang nagpapatakbo ng katawan ng isang tao, kaya nitong kontrolin ang lahat pero meron din itong limitasyon. Hindi man ito agad makikita o mararanasan ang maaaring resulta pero darating at darating din ang isang tao sa puntong iyon. Maikukumpara ang mga bagay na tama at mali. Masamang sanayin ang isang tao na gawin ang mga bagay na maaaring makadulot ng masama. Maging bukas ang isipan sa lahat ng bagay at ang mga maaaring dulot nito.
Paghahalimbawa at Pagdadahilan
Ang pagka adik sa kompyuter ang isa sa mga dahilan kung bakit maapektuhan ang kalusugan ng isang tao. Ang paglalaro online ay maaaring maging dahilan sa pagkawalan ng pakialam ng isang tao sa kanyang sarili, isa sa mga kinaaadikan ng kabataan ngayon ay ang paglalaro ng League of Legends, Cabal Online at Dota na pinakatinatangkilik (Dr. Jose George, 2014). Ag pagiging sangkot sa mga ito ay maaaring magdulot sa isang tao ng pagiging mapusok, bayolente at mainitin ang ulo na hindi magandang epekto para sa isang tao (fireskie_sid, 2010). Naapektuhan din nitoang performance ng isang estudyante sa kanilang paaralan at kawalan ng pokus sa akademikong gawain.
– Jane Maica A. Guy-ab